This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Itinanggi Pa Mandin! - Kung matitiis mo lang, huwag gumamit ng babae sa lugar na iyong pinupuntahan (Koleksyon ng Marino)Itinanggi Pa Mandin! Dec.1; 2000 DELFHAVEN, ROTTERDAM, makikitang abalang -abala ang mga crew ng M/V VULNERABLE sa kanilang katatapos lang na maniobrada sa pantalan, makikitang si segundo ay nagaapura at panay ang pasaring kay maestro amo at sa mga AB at nagsabi "tro, pwede bang bilis- bilisan natin ang pagsecure ng lubid, mahuhuli tayo sa palabas, uunahan na naman tayo ni mayor". Sabay- sabay silang umalis ng prowa, pagkatapos maisecure ang lahat at makikitang iisa ang rombo ng kanilang pupuntahan, sa kabina ni messman johnny. "ay linti! Sabi ko na! Naunahan na naman tayo ni mayor, hayan at naka sitting pretty na sa diban". Pabirong salita ni segundo. "pasok- pasok, humanap na ng lugar at uumpisahan na natin ang palabas , kanina ko pa gustong isalang ito subalit naisip ko na mas masarap ang panonood kung maraming mga mata". Ang sagot ni Mayor. Sa labas ng kabina ni messman Johnny, kasunod ng pagkasarado ng pinto ,mapapansin walang kaingay-ingay ang mga nasa loob nito. Samantala, etong si Kapitan at Chief mate ay naghahanap sa kanilang tao at nagsabing "Chief , asan ba ang mga tao? Nag- shore na ba sila ?, kadidikit lang natin ah!." "ewan ko ba , nitong mga huling araw eh! Sa oras lang ng trabaho ko sila nakikita, magmula ng bumitaw tayo sa Brazil, hindi ko na halos sila nakikita," sagot ni Chief mate. "Mabuti pa chief hanapin natin at baka may milagrong pinaggagagawa ang mga tao, at wala tayong kamalay- malay. Mahirap na baka may dala silang bawal na gamot, at magkalintik- lintik ang buhay natin 'damay tayong lahat , "mabilis na turing ni Kapitan. Binaybay nila ang kahabaan ng pasilyo at bawat kabina ay itinutulak ng bahagya ang pinto at kinakatok kung may tao, hanggang sa makaabot sila sa kabina ni messman Johnny. "aha! Nandito pala kayong lahat!, Sinong promotor nito?, Kaya pala tahimik ang barko, Ano ba yang pinanonood ninyo?", parang pagalit na tanong ni Kapitan. Ang lahat ay nabigla, dahil hindi nila inaasahan na na makita ni Kapitan ang pinanonood nila. Biglang sumabad si Segundo "E, Kapt.,pasensiya na, wala naman sigurong bawal dito sa pinanonood namin, baka gusto ninyong manood din, isang oras lang naman ito!. Imbis na magalit ay napabung halit ng tawa at pausal na sinabi kay Chief mate, "Paano to Chief! Mukhang maganda ang kanilang pinanonood, at talaga naming nakakatindig ng balahibo."Wika ni Kapitan. At minsan pa sa labas ng pasilyo , wala kang maririnig na ingay man lang sa loob ng kabina ni messman Johnny. Kinabukasan: Habang abalalang -abala sa trabaho ang lahat, may umakyat na dalawang Pinoy na may "mahalagang sadya. Sila daw ay taga PSAP at may programang silang magbigay ng inpormasyon sa kasalukuyang lumalaganap na nakakahawang sakit pang seksuwal at AIDS. Dahil sa kahalagahan ng kanilang pakay ay pumayag si Kapitan at sinabihan si Chief mate "Chief ,sabihan mo ang mga tao, pagkatapos ng hapunan, lahat ay magpunta sa officers mess at mayroon tayong bisita na magbibigay ng inpormasyon patungkol sa HIV, AIDS at iba pang sakit na nakakahawa.". Kinahapunan: Sa loob ng officers mess, lahat ay naroon, maliban sa mga guwardiya. Habang nakikinig ang lahat sa inpormasyong dala ng bisita, mapapansin na si Kapitan ay pangiti-ngiti at kinalabit si Chief mate ät pabulong na sinabi "Mabuti siguro Chief, tawagin mo si messman Johnny at dalhin ang video tape at ipapalabas din natin para naman masiyahan din ang mga bisita natin." Humigit kumulang sa dalawang oras ng matapos ang inpormasyong ibinibigay ng magbigay ng pahuling salita at sinabing "Mga kabayan, nasasainyo na kung susunod kayo sa inpormasyong dala naming, isipin nyo na lang ang inyong pagsakripisyong magtrabaho na malayo sa pamilya, kung kayoý mahahawahan ng mga sakit, magiging malaking dagok ito sa inyong propesyon, ang inyong sarili pati na yoong inyong pamilya. "Eh! Mawalang galang na nga ho ,Sa hirap ng buhay sa Pinas, bawat sentimo na aming kinikita eh! Nakalaan talaga sa pamilya naming, talagang iwas na kami ngayon sa babae, wala kaming magawa kundi kay Mariang Palad na laang,", mabilis na sambit ni Maestro Amo. Oh, talaga! Itinatanggi mo pa mandin ha!, patawang sumagot ni Kapitan, at kapagdakay inutusan si Chief mate "Chief, ipasok mo nga itong video tape na souvenir natin sa Brazil para naman makita ng mga bisita natin kung gaano kabait ang tiga M/V VULNERABLE. Bumunghalit ng tawa ang lahat at nagkatinginan sa bawat isa at pausal na sinabi , "Patay kang bata ka". Bagamat nabigla yoong mga bisita, napangiti na lang sila't sukat sa isang tabi at pumuwesto sa harap ng video. Sa paggiling ng video, napansin ng mga bisitang tiga PSAP na di ito ang videong pangkomersiyal, at ang lumalabas ay di kilalang aktor sa pelikula. Subalit mapapansin na walang kakurap- kurap ang mata na halos lumuwa na ang mga mata sa ganda ng kanilang pinanonood, ang isa sa tiga PSAP ay di na nakapagtimpi at nagtanong, matindi ang isang iyan ano!, parang manok na panabong kung pumupog, halos maputulan na ng hininga yoong babae, pero teka! Parang kahawig ni---- biglang napatingin ang lahat kay Maestro amo. Si Maestro naman ay patay mali na napapangiti lamang, at buong hinahon na nagpaliwanag "Pasensiya na kayo dahil talaga nga namang pagkagaganda ng mga babae sa Tubarao, anong panama ni Ana Roces at Aiko Melendrez, at saka pumayag naman sila na kukunan namin sila ng video, dahil sabi namin eh ¡ipapakita namin ito sa gumagawa ng pelikula sa Pinas, bah! True to life story ito no!, baka talunin pa si Maria Mercedez ng Mexico na talagang sumikat sa atin." "Siyanga naman ho, katunayan pa nga niyan, talagang bigay na bigay ang hilig ko, dahil baka sakaling madiskubre ako sa showbiz, kapag nagkataon , good-bye pagmamarino, bold actor na lamang."patawang sumabat si messman Johnny. "Oh! Talaga! Patawang sumagot si Kapitan at pagkuwaý sumunod si Chief mate at ang lahat ay parang koryenteng nagtawanan. "ang masaklap po nito , pito kaming gumamit kay Luz , si spark lang ang nakapagdala ng goma, dahil sa narinig ko na itong SAFE SEX promotion nyo ay sa Pinas pa lang ay narinig ko na kung kayat pinulot ko't hinugasan yoong condom na ginamit ni Spark at isinuot ko rin, "sabay tawa ni Oiler. Öh! Talaga!. Lingid naman sa aming pito, di alam ni oiler na ako ang sumunod sa kanya at dahil sa matinding takot kong mahawahan ng sakit ngunit hindi ko naman mabigyan ng lunas ang pananakit ng aking puson, pasimple kong pinulot ang condom na ginamit ni oiler na itinapon niya sa basurahan, pero dahil sa medyo mabigat at punong -puno, itinaob ko't piniga pagkatapos binaligtad ko na lamang at isinuot ko sa akin nagkasya rin naman kahit medyo maluwag- luwag na". Pahabol na nagyabang si Mayor. Ang lahat ay parang chorus na nagsabi "Oh1 talaga! Kala ko ba eh! Mahirap na ang buhay sa Pinas at umiiwas ka sa gastusin", siyang sabad ni Chief mate. Ïtinatanggi pa mandin no ",patawang pakutya ni Kapitan. Pawang tawanan at kantiyawan ang nangyari sa gabing yaon at umuwi ang mga bisitang tiga PSAP na sumasakit ang tiyan sa katatawa. Ika anim na araw ng M /V VULNERABLE sa Delfhaven Port ng Rotterdam. Mapapansing balisa si messman Johnny , at habang naglilinis ng galley ay panay ang tingin sa kalendaryo, nang siyang pasok ni Mayor, at mabilis si Johnny na nagtanong "Yor, ilang linggo na ba simula ng magbiyahe tayo galing Brazil? Bah! Eh!, pang anim na linggo na ngayon simula ng tayoý bumitaw sa Tubarao, sagot ni Mayor, Bakit mo tinatanong?" sumagot kaagad si messman Johnny, "Kasi laging pumapasok sa isip ko yoong sinabi ng mga tiga PSAP na kapag nahawahan ka ng STD'S (Sexual Transmitted Diseases), ang incubation period eh! From 2 weeks to 6 months bago lalabas ang mga sintomas, siguro Yor, me tama ako, tignan mo oh!-dali- daling binuksan ang bitones ng pantaloon, ibinaba ang zipper at doon nakita ni Mayor ang di kanais- nais na tanawin. Yah! Pasigaw at tapos tutop ang bibig na natigilan, kapagdakaý nagsabing "Naka! Nadali ka ng Cauli- flower at gumbu- rumbu, 2 bagay lang ang alam kong lunas diyan alin sa dalawa sunog o sinugbang bulaklak ng katuray". Sabay tawa ni Mayor. Si messman Johnny na halos mangiyak- ngiyak na au nagtanong muli "Yor, paano to, aalis pa naman tayo bukas, huli na ang lahat para ipaalam kay Kapitan, at saka natatakot akong malaman ng lahat eh! Kahiya- hiya, tapos may posibilidad pa akong mapauwi dahil dito, ala pa naman akong ipon at baka pamasahe ko pa ang pag uwi ko ". Bumuntong hininga si Mayor at biglang nagseryosong nagsabi " Kung matitis mo, hintayin mo na lang ang susunod na puwerto at saka ka magpatingin sa doctor, pero bago dumating ang puwertong ito, kailangan sabihan mo na si Kapitan, O ,heto binigyan ako ng calling card ng tiga PSAP, tawagan mo sila at sabihin mong may tama, ipaalam mo kung anong itsura at anong nararamdaman mo." Nangingilid ang luhang lumabas ng galley si Messman Johnny, di alintana ang mga pabirong tudyo ng ilang kasamahan at pasaring na nagsabi, "Hey, Johnny wala bang now showing mamaya? Kahit sa coffee time ipalabas natin."Parang walang narinig na lumabas ng barko si messman Johnny, binagtas ang kahabaan ng pantalan at dumiretso sa tel. Booth at doon nagsimulang dumayal--- Hello! Hello! PSAP ba ito? The End -------------------------------------------------------------------------------- PAALALA Payong kapatid na mga marino--- Kung matitiis mo lang, huwag gumamit ng babae sa lugar na iyong pinupuntahan, Antaying matapos ang kontrata at umuwing masigla at doon ibuhos ang lahat sa pinakamamahal mo sa buhay. Kung hindi naman at hindi na talaga kayang tiisin, huwag kalilimutang gumamit ng goma( condom). Sa inyong paggamit ng goma, bagama't hindi ito 100% accurate at least bababa yaong tinatawag na "risk" na mahawahan ka ng sakit. Kung sa tingin mo naman ay may sintomas na may tama ka, huwag magpasubali, magpatingin ka kaagad sa doktor, dito sa Port of Rotterdam, strictly confidential ang kaso kung ikaw ay may tama at bukod doon libre pa ang patingin. Koleksiyon ng Marino login to post comments | 950 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 0 guests online.
|