OFW E-Card - Equitable PCI Card Service for OFWs

Ano ang OFW E-Card?

Ang OFW E-Card ay permanenteng identification card para sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs). Ito ay ibinibigay ng LIBRE ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Bakit mo kailangan ang OFW E-Card?

BILANG ID CARD:

* Ito'y katibayan na ikaw ay isang tunay na OFW na dumaan sa legal na paraan ng pamahalaan
* Ito'y katibayan na ikaw ay miyembro ng OWWA.
* Ito'y nagtataglay ng iyong litrato at pirma.
* Ito'y mayroong personal at permanenteng OFW ID number mo
* Ito'y magsisilbing Overseas Employment Certificate (OEC).
* Ito'y magagamit sa pagkuha ng iyong mga benepisyo sa OWWA.
* Ito'y magagamit sa pagkuha ng exemption sa pagbabayad ng travel tax at terminal fee sa alinamang airport sa Pilipinas.

Ano ang karagdagang gamit ng OFW E-Card?

BILANG ATM CARD:

* Ito'y magagamit rin bilang international ATM card kung gusto ninyong magbukas ng account sa mga kasaping bangko. Ang initial deposit sa pagbukas ng ATM account sa Equitable PCI Bank ay PhP50.00 lamang. Maaring gamitin ang ATM upang mag-withdraw sa alinmang Bancnet, Megalink o Expressnet ATM sa Pilipinas o kaya naman ay sa alinmang VISA Plus ATM sa abroad. Ang mga kaukulang ATM transaction fees sa abroad ay ang mga sumusunod:

US $ 3.00 para sa bawa't ATM withdrawal na natuloy
US $ 1.00 para sa bawa't ATM balance inquiry
US $ 1.00 para sa bawa't ATM transaction na hindi natuloy sa anumang dahilan

BILANG VISA ELECTRON :

* Ang card ay magagamit rin na pang-shopping, pang-grocery, o pang-gimik sa pamamagitan ng VISA Electron feature nito. Iprisinta lamang ang card sa mga VISA Electron na tindahan at ang halaga na iyong nagastos ay ibabawas sa pondo ng iyong account.

BILANG DISCOUNT CARD :

* Ito'y magagamit din bilang discount card. Iprisinta lamang ang inyong card sa mga accredited na mga merchants/establishments
o Ano ang mga participating merchants sa Pilipinas?
o Ano ang mga participating merchants sa Hong Kong?

Paano at saan kumukuha ng OFW E- Card?

Sa kasalukuyan, ang OFW E-Card ay makukuha sa POEA Ortigas at POEA Regional Center for Visayas. Ito ay ibinibigay sa mga BalikManggagawa, Name Hires at agency-endorsed New Hires matapos na ma-process ng POEA at OWWA ang inyong mga papeles. Bibigyan din ng OFW E-Card ang mga seafarers sa mga darating na buwan.

Ano ang gagawin kapag nawala ang OFW E-Card?

1.

I-report ang pagkawala sa sumusunod:
*

OWWA - telephone nos. 551-6641 o 551-1560
*

POEA - telephone nos. 722-1155 o 722-1144
*

Sa opisina ng Labor Attache sa bansang inyong pinagtatrabahuhan
*

Equitable Hello Service - telephone nos. (632) 867-7977 or 1-800-188-3264

Kumuha ng "Affidavit of Loss," sagutan ito at i-submit sa mga nabanggit na opisina.

Saan maaring huming ng ibang impormasyon ukol sa OFW E-Card?

Para sa karagdagang kaalaman o iba pang mga katanungan, maaring makipag-ugnayan sa OWWA, POEA at alinmang opisina ng Labor Attache sa inyong bansang pinagtatrabahuhan.

for more info, always visit OFW E Card Info Page at http://www.pcib.com/affiliates2003/express_padala/ep.htm