This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Sa Tuwing Uuwi Para Mag-bakasyon 3 - (Pauwi ng Probinsya)Masarap din ang pakiramdam kapag uuwi kami ng probinysa, medyo malayo at matagal ang biyahe pero enjoy na enjoy namin ang aming pag-sakay sa mga bus tulad ng Victory Liner, Partas, Five Star at Philippine Rabbit... ANG MGA PROVINCIAL BUS Pero paborito naming sakyan ang Victory Liner o Five Star dahil comfortable ka talaga sa iyong upuan. Kung minsan, kami ay pumipili na sumakay sa mga De Luxe na sasakyan..ito yung bus na hanggang 24 lang ata ang pasahero at ang iyong upuan ay talagang malaki o malawak na pwede mo pang ihiga pero hindi ka makaka-istorbo sa ibang pasahero na nasa likuran. Dire-diretso din ang biyahe dahil hindi sila nag-sasakay ng mga pasahero na nag-hihintay sa iba't-ibang lugar. Kaya sasakay ka lang sa mga De Kuxe na Bus kapag ang biyahe mo ay diretso sa routa nila o malapit na roon. Pero dahil sa mabilis ang biyahe, hindi rin ito madalas huminto sa mga bus stop. ANG MGA PAG-KAIN SA MGA BUS STOP Gustong-gusto ko pa namang humihinto sa mga bus stop kung saan makakabili ka ng mga nilalako tulad ng chicharong baboy o baka, itlog ng pugo, barbecue na hotdog at baboy, mais na inihaw, nilagang mani, pritong mani o cornick, balot, buko pie, tupig at mga pastilyas tulad ng macapuno. Tuwing mag-bibiyahe pauwi sa probinsya, ito ang madalas kong binibili sa daan...kung minsan, mas malaki pa ang nagagasta ko sa pagbili ng mga pagkain na ito kesa sa aking pinamasahe dahil na mimiss ko talaga ang mga ganitong pag-kain sa Pilipinas. ANG MGA BUKIRIN, LUPAIN AT KAPATAGAN Napakasarap din sa pakiramdam habang tinitingnan ko ang mga kapaligiran habang nag-bibiyahe ang Bus...tulad ng mga nag-lalakihang billboard sa North Luzon Express Way, mga bukid sa bandang Bulacan, Pampanga at Bataan. Ganun din ang mga malalawak na taniman ng Mais o Tabako sa bandang Tarlac, Nueva Ecija at Pangasinan. Ang pag-biyahe papunta sa Olongapo City kung saan ang iyong daraanan ay matarik na zig-zag road tulad ng Baguio City. Nakakalibang ding makita ang lugar ng Cavite , lalo na ang pag-punta sa Tagaytay. ANG MGA SIMBAHANG PINAPASYALAN Tuwing uuwi rin, ang mga simbahan na aming dinadalaw para mag-pasalamat ay ang Simbahan ng Quiapo, Baclaran at ang Manaog sa Pangasinan. Masarap mamasyal sa Manaog, palagi kaming nag-sisimba sa Manaog Church tuwing uuwi. Madalas kaming mamimili ng mga pag-kain doon tulad ng Tupig, Puto at Kutsinta. ANG MGA PAG-KAING LUTO NG AKING BIYENAN Noong buhay pa si Tatay Pabling, ang aking biyenan na lalaki, sa kanyang luto lang ako natutong kumain ng gulay na hindi ko alam kainin noon tulad ng Ampalaya, Labong, yung parang damo sa tabi-tabi ng kalsada (forgot ko tawag dun)..., Saluyot at Okra. Pero dahil sa napakasarap niyang luto na Kapampangan at Ilokano, nahilig ako kumain ng ganitong gulay lalo na kung may kasamang inihaw na bangus. Lagi kaming nag-papaluto sa kanya ng Papaitan, Dinuguan, Kinilaw na Kambing, Afritada, Binagoongang Baboy, Diningding, Pinakbet at marami pang iba. Madalas din naming kainin sa probinsya ang sinabawang tulya na napakaliit pero napaka-lasa tuwing iyong kakainin at iinumin ang sabaw nito. Napakasarap din ng bangus na mula sa Dagupan lalo na kung inihaw sabay sawsaw sa isdang bagoong na may kamatis at sibuyas o sukang may sili...o di kaya ay bagoong alamang naman. Napakasarap ding ulamin ang tinolang manok na native na may gulay ng malunggay,masarap din ang luto niya na la paz batchoy at sinigang na baboy....hmm yummy talaga... ANG BAHAY KUBO NI NANAY Sa lugar naman ng aking magulang, masarap din ang aking pakiramdam kapag naroon lalo na kung ako ay mapapaupo sa bahay kubo na nasa labas ng bahay ng aking Nanay, napakasarap mahiga doon at mag-pahinga at kung di lang malamok, napakasarap ding matulog sa bahay kubo na ginawa ng aking step father. Masarap din ang makipag kwentuhan sa aking mga kamag-anak tuwing uuwi. mag-kainan at mamasyal. Ito ang aking mga nami-miss sa tuwing ako ay nasa ibang bansa na... vbbb login to post comments | 418 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 0 guests online.
|