This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Sa Tuwing Uuwi Para Mag-bakasyon 2 - (Kapag nasa Maynila)Kapag nasa Maynila kami para mag-lakad ng mga papeles pabalik sa ibang bansa tulad ng POEA's Employment Overseas Certificate, o Reduced Travel Tax para sa ticket ng aming nga dependant children at Visa kung kinakailangan at iba pang mga bagay tulad ng pamimili sa mga malalaking malls, narito naman ang madalas kong gawin habang nag-lilibot o nag-bibyahe sa Kamaynilaan... ANG MANGA AT BAGOONG Kapag nasa lansangan na, palagi akong nag-hahanap ng tindang Manga na hilaw tulad ng Piko at Kalabaw, at kahit sabi nila marumi ang tinitindang bagoong alamang na libre, sige pa rin ako na kumakain ng manga na may sawsawang bagoong alamang...at dahil sa hindi ko mapigilan ang katakaman sapag-kain ng paborito kong prutas, kakainin ko ito habang nasa daan at kahit umagang-umaga o kahit hindi pa ako kumakain ng kanin at ulam sa katanghalian, kumakain din ako ng maasim na mangga kahit habang ako ay lumalakad. Madalas ako ay pinag-titinginan ng mga tao, pero ako ay walang paki dahil talagang napakasarap ng mangga... ANG SIOMAI, SAGO'T GULAMAN NA PALAMIG AT MGA PAG-KAING PILIPINO Ang susunod na balak ko namang kainin ay ang Sio Mai, nakakakain naman ako nito sa ibang bansa, pero syempre mas mura sa Pilipinas at mas masarap ang sawsawan, pagkatapos sabay inom ng sago o iba ibang falvor ng palamig tulad ng gulaman, buko, melon at iba pa na mabibili sa tab-tabi ng kalsada, himpilan ng sasakyan at sa MRT. Hmmm, yummy talaga. Isang beses ay gumastos ako ng halos P200 mahigit dahil lamang sa pag-kain ng Siomai...kung nasa Pilipinas ka, masyadong mahal ito, mabuti pang bumili ka na lang ng isang kilong karne para mas marami pa ang makakain... Palagi din kaming kumakain sa Greenwich, simple lang kasi ang timpla ng pizza na ito...medyo mura pa. Masarap ding kumain sa Chowking, lalo na ang halo-halo, at syempre ang chicken joy ng Jollibee. Sa mga pag-kaing pinoy naman, sa Goldilocks ang paborito naming kainan, paborito ko mula sa Goldilocks ang pag-kaing Lumpiang Sariwa at Sago Gulaman...ito ang palagi kong kinakain tuwing dadaan sa Goldilocks... Madalas din kaming mapadaan sa Lydias Lechon at sa Maxx Restaurant...PMasarap ding mapadaan sa Goto King apra kumain ng Goto o Lugaw.ero walang sasarap sa luto ng aming kamag-anak kapag kami ay nasa bahay lalo na sa probinsya... Kapag almusal naman, palagi akong bumibili ng napaka-init na pandesal, amoy pa lang ay ako parang nabubusog...madalas P20 - 30 na pandesal ang nakakain ko tuwing uuwi sa Pilipinas, ito ay kahit walang palaman...at dahil sa init naman sa katanghalian, tuwing kakain, hindi nawawala ang inuming coke kaya tuwing babalik sa ibang bansa, ako ay talagang lumulubo sa kakakain at kakainom ng soft drinks... ANG MRT AT LRT SA MAYNILA Noong wala pa ang MRT, napakaluwag ng EDSA, masarap ang simoy ng hangin, lalo na noong hindi pa masayadong marami ang mga sasakyan. Ngayon, lumiit at sumikip ang EDSA dahil sa MRT...pero malaki ang nagawa ng MRT, hindi na masyadong traffic kahit rush hour, kaso sa MRT ka naman maiipit kapag dito ka sumakay. Maganda ang MRT, kahit ilang taon na ito simula ng paandarin, hindi pa rin mukhang luma ang MRT, walang mga vandalism at talagang malinis ang loob at sahig...kaso nga lang, kapag rush hour, halos mag-siksikan ang mga pasahero at mukha talagang mga sardinas ang mga tao sa sobrang sikip...pero okay lang sa kanila basta makarating lang agad sa pupuntahan... Natutuwa rin ako sa pag-kakaroon ng MRT dahil konektado ito sa ibang Malls tulad ng Shangrila, Araneta Center, SM Makati sa Ayala at sa isang maliit na department store sa Taft Ave. Kapag may pupuntahan ka sa Manila at sasakay ng LRT 1 , mula sa Taft Avenue, mag-lalakad ka na lang para pumunta sa istasyon ng LRT 1...at kapag ikaw naman ay nasa LRT 1 at nais mong pumunta sa Cubao, maari kang bumaba sa Carriedo o sa Recto para sumakay naman sa LRT 2. Napakaganda rin ng LRT 2, mas malaki ito kesa sa MRT at LRT 1. Mas maganda din ang design ng rail station, malinis din at malamig... Sa LRT 1 naman, lagi kong naalala noong ako ay bata pa sa tuwing makikita ang unang rail transit. Noong buhay pa si Tatay, madalas niya akong isama mula sa probinsya papunta sa aming kamag-anak sa Maynila,ginagawa palang noon ang LRT 1, nag-tataka ako kung ano ang napaka-habang tulay na iyo sa itaas ng aking ulunan tuwing mag-lalakad mula sa istasyon ng Philippine Rabbit Bus line...ito pala ang LRT na mula sa Baclaran papunta sa Monumento, Caloocan. ANG MGA SHOPPING MALLS Ang mga paborito kong bilhan ng mga damit at gamit ay ang SM Megamall o iba pang branch ng SM Department Stores tulad ng sa SM Cubao, Makati, Manila at sa SM Mall of Asia...Paborito ko ring puntahan ang Landmark sa Ayala at Gateway sa Araneta Center. vbbb login to post comments | 490 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 0 guests online.
|