This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Kapag Pinag- initan Dahil Pinoy Ka (Hazel Toquero)Habang ang buong mundo ay nakatutok sa mga susunod na magaganap kay Britney Spears, kasalukuyang nahihirapan akong humanap ng inspirasyon upang makapagsulat. Hindi dahil KJ ako sa panghuhula kung anong kulay ng wig ang susunod na isusuot ni ex- Mrs. Federline, wala ako sa mood na magsulat sapagkat pinag- iinitan sa trabaho ang aking kaibigan. Noong una ang akala lang namin ay may "bisita" ang aming boss kaya araw araw pinapagalitan siya. Alam na naming gaguhan na ang nangyayari nang inakusahan siya na sinakal niya ang isa sa mga estudyante. Kumulo ang dugo ko at gusto kong ilabas ang aking balisong. Sino ba naman ang hindi maiinis kung kayod Islaw Kalabaw ang drama mo tapos pag- iinitan ka lang dahil Pinoy ka? Halatang biased dahil ang dami namang palpak na guro pero napiling pag- tripan ang aking kaibigan. Dalawang buwan na siyang naghihirap at kailangan nang uminom ng gamot para lang kumalma. Napansin ko rin na dedma ang boss ko sa akin. Ewan ko kung ano ang drama niya pero obvious naman siya. Guilty by association ba ang ipupukol niya sa akin? Malamang ako naman ang susunod na pag- iinitan o tapos na ba ako ng nakaraang administrasyon? Wait and see na lang. Lumabas kami noong Biyernes at sa harap ng Lechon Kawali, binigyan namin ng suporta ang aking kaibigan. Binibilang ko na lamang ang mga linggo bago matapos ang schoolyear. Pasalamat na lang ako na tapos na ang aking probationary period ko at pwede na akong lumipat sa ibang eskwelahan malayo sa mga ghetto at kahit magbayad ako ng extra, lilipat na rin ako ng tirahan sa Manhattan. Malaking kaltas sa bulsa pero hindi na madadagdagan ang wrinkles ko sa noo. Nakakapangamba pero better safe ng sorry. Noong nakaraang linggo, napatalsik ang isang model teacher dahil sa power trip lang. Politika nga naman kahit pa sa loob ng sistema ng edukasyon . Ang mga sumusunod ay red flags of discrimination. 1. Lagi kang pinagagalitan nang wala sa lugar. Nagkataon lang na black ang iyong pantalon at hindi dilaw tulad ng gusto ng boss mo. Galit siya dahil ayaw mong maging B1 or B2. 2. Pilit na pinapapirma ka ng papeles na hindi mo pa nababasa. Kapag hindi mo gawin, tatawagin kang maarte. Maarte ako sobra! 3. Kahit na anong gawin mo, di nasisiyahan ang boss mo. Sommersault ka pa sa ere sabay cartwheel, incompetent ka pa rin. 4. Fresh ang tawag sa iyo kapag nangatwiran ka. Pwede na akong ihalintulad sa gulay, laging sariwa dahil palasagot ako kung mali naman talaga. Sabi ko na nga ba, bilang na rin ang mga araw ko! 5. Magaling at masipag kang magtrabaho. Kaya nga galit sila sa iyo. 6. Devil's advocate ang role nila. Utos galing sa taas kaya wala silang choice. Ang sabi ko naman sa friend ko, wala rin siyang choice kaya nagsampa na siya ng kaso ng slander. 7. Mas marami ang trabaho na ipinupukol sa iyo. Sala sa init, sala sa lamig. Matapos mo man o hindi, may pintas pa rin sila. 8. Lagi silang may verbal threats. Breakfast ito at lunch ng aking kaibigan. Ang sabi ko naman gawin niyang dessert ang documentation ng mga ito. 9. Wala silang awa kahit mapaiyak ka pa sa harap nila. Wala na nga silang puso, wala pa silang appendix. 10. Kapag nalaman nila na nagfile ka ng kaso of discrimination, pahihirapan ka pa nila lalo. Alam rin namin na hahaluan ng politika ang kaso ng aking kaibigan upang siya ay matanggal sa trabaho. At least lumaban siya and huwag kalimutan na ang karma ay masakit kumagat sa pwet. Malaki ang pwet ng aming boss. login to post comments | 563 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 2 guests online.
|