Ang Inggit Sa Kapwa, Crab Mentality ng mga Pilipino at ang Karma (Vanie B)

THE ROOT CAUSE OF EVIL ACTS - ENVY

Sa lahat siguro ng masasamang ugali, ito siguro ang nag-uugat kung bakit ang tao ay nakakagawa ng hindi maganda sa kanyang kapwa...kasi kapag laging umiiral sa sarili mo, puso mo at utak mo ang inggit, wala kang gagawin kungdi manira, hilain pababa ang iyong kapwa para bumagsak ito at kapag mangyari ikaw ngayon ay tuwang-tuwa, mag-kwento ng masasama laban sa kapwa (back fighter), makipag-isnaban (unfriendly), mag-salita ng non-sense o makakasakit sa kapwa (nag-paparinig) at maramin pang ibang mapapangit na gawa.

CRAB MENTALITY - BRINGING DOWN OTHER PEOPLE

Nang ako ay mag-abroad,marami akong natutunan. Lahat ng magagandang bagay na nakita ko ay ina-adapt ko pero bakit kaya ang ibang mga kababayan natin na kahit ilang taon na sa ibang bansa ay hindi pa rin mabago ang mga pangit na ugaling Pilipino tulad nga ng Crab Mentality.

Nakakalungkot isipin na mas madalas, kaya ka napapahamak sa ibang bansa ay dahil din sa kagagawan ng iyong kapwa Pinoy. Tulad halimbawa ng pag-sumbong sa immigration kapag nalaman nilang TNT ka o Tago ng Tago...OO, alam nating lahat na bawal yun o labag sa bansang USA at iba pa, pero isipin mo na lang na pareho pareho lang naman tayong umalis sa ating bansa nang dahil sa hirap ng buhay kaya isipin mo na ang dahilan kung bakit nagagawa ng marami sa atin ang mag TNT ay para mabigyan ng magandang buhay ang ating mga pamilya sa Pilipinas...kaya kung naging maganda man ang buhay na nila ngayon ay huwag nating kainggitan o ipahamak para muling mag-hirap o bumagsak.

GIVE GOOD ADVICE INSTEAD

Bakit hindi mo na lang siya pag-sabihan o bigyan ng payo o paalalahanan at sabihin na illegal ang kanyang ginagawa, paalalahanan siya na baka mapahamak siya at kung mag-kataon mas lalong kawawa ang pamilya niya kapag pinauwi siya o makulong...dapat ganito ang ating gawin hindi yung isusumbong mo pa ang mga kababayang lumalabag sa immigration...

Kahit may galit ka sa taong iyon, ipaubaya mo na lang sa Diyos, isipin mo na lahat ng bagay na ginagawa mo, mabuti o masama ay palaging may karma...Good or Bad Karma...isipin mo na kapag may ginawa kang masama sa kapwa, babalik at babalik din sa'yo...

GOOD ACTS = GOOD KARMA / BAD ACTS = BAD KARMA

A story of Bad Karma

Katulad din ito sa isang Pilipino na mataas ang posisyon sa isang kumpanya. Masyadong mayabang at mababa ang tingin sa ibang Pilipino na under niya. Tingin niya sa sarili niya ay napaka-galing niya na pero kung titingnan, nakapasok lang naman siya sa kumpanya na iyon dahil siya ay malakas o may backer.

Halatang walang good moral character ang Pilipinong ito kasi makikita mo naman iyon sa ayos ng kanyang pag-sasalita, pakikipag usap at pag-kilos...May mga nag-iisip tuloy na baka hindi naman talaga siya nakapag-aral o nakatapos sa kanyang propesyon, baka peke daw ang kanyang Diploma, graduate daw sa Recto University...

At kahit mga respected people na ang nakakasalamuha niya halos araw-araw, ewan ko ba kung bakit hindi niya na-a-adapt ang mga magagandang traits na dapat niyang gayahin tulad ng pagiging professional, polite, kind and friendly to anyone, wala pa rin siya, Pilipinong bastos pa rin ang dating na parang tulad ng istambay na walang pinag-aralan kung mag-aasta...

Ang mga nakapaligid sa kanya ay halos kamuhian siya pero dahil sa mataas nga ang posisyon, syempre sunod na lang ang mga mababang Pilipino. Wala ring respeto sa bagong pasok na kasama sa trabaho ang Pilipinong ito kahit na mas mataas ang posisyon sa kanya. Katwiran niya ay mas matagal daw siya sa kumpanya kaya dapat daw na siya pa rin ang mas tingnan na mas mataas sa sinumang bagong pasok....

Mahilig din siyang manira kapag ikaw ay nakatalikod at mag-sumbong sa mas mataas kapag nalaman niyang nag-kamali ka, ito ay para pag-initan ka ng mga amo mula sa kataas-taasang posisyon. At kapag nalaman niya na siya ay nahigitan mo, kung ano-ano ang lalabas sa kanyang bibig na paninira at pananalitang halata mo naman na siya ay naiinggit.

Pero isang araw nagulat ang lahat, biglang naalis sa trabaho ang Pilipinong ito. At syempre pa dahil marami nga ang naiinis sa kanyang style na hindi maganda, marami ang natuwa...May mga hidden agenda pala ang Pilipinong ito, umabuso sa kanyang posisyon at gumawa ng hindi maganda sa kumpanyang nag-tiwala sa kanya. Pati ang taong tumulong sa kanya para mabigyan siya ng magandang trabaho ay nais pa niyang sirain ang pag-katao dahil idinawit pa niya ito sa kanyang kalokohan.

Nakarma siguro ang kawawang Pinoy na ito dahil sa mga pangit niyang pakikitungo sa kanyang kapwa Pilipino. Walang naawa sa kanya o nanghinayang noong siya ay inalis sa trabaho. Walang nag-tanggol sa kanya kahit pa ang kanyang malalapit na kaibigan. Lahat ayaw madawit sa kanyang kalokohan kaya siya ay iniwan o tinalikuran.

Umuwing walang dalahan ang kaawang-awang Pinoy. Marami pa naman ang anak na pinag-aaral sa kolehiyo, may binabayaran na bahay at sasakyan sa Pilipinas. Hindi pa siya nabigyan ng magandang recommendation kaya nasayang ang maganda niyang posisyon na mag-dadala sana sa kanya para siya ay makahanap pa ng mas magandang opportunity...

MORAL LESSON

Ngayon, ano ang aral? Walang gumanting mga kababayan niya sa kanyang masamang pakikitungo sa kanila (kasi nga siguro boss siya eh)...pero siya ay binalikan ng tadhana. Siya ay nakarma, kaya kung hindi natin nais na magaya sa kanyang kapalaran, huwag nating pairalin ang INGGIT o CRAB MENTALITY sa ating isip at pag-uugali na tulad ng kanyang ginawa.

At syempre iwasan ang gumawa ng hindi kanais-nais laban sa kumpanya dahil tayo ay mga banyaga lamang sa ibang bansa. Kapag gumawa tayo ng hindi kanais-nais,magiging napakapangit na ang tingin sa atin ng ibang lahi. Maraming kababayan tuloy ang nahihiya dahil sa kanyang ginawa...

WHAT SHOULD WE DO?

Imbes na tayo ay mainggit sa ibang asensadong tao, mas mabuti pa na tayo na lang ay mag-sikap. Tulungan ang sarili at gayahin ang mabubuti niyang ginawa kung bakit siya umasenso. Matuwa din tayo para sa kaniya dahil sa mabuti niyang kalagayan sa buhay. Hindi yung kamumuhian natin siya at iiwasan o ipapahamak. Tulungan din natin ang mga kababayang nag-hihirap o nangangilangan ng tulong na walang inaasahang kapalit.

Huwag nating pag-aksayahan ng oras ang pakikipag-away o ang gumawa ng hindi maganda sa ibang tao para lamang siya ay bumagsak. Sasakit lang ang ating ulo kakaisip o kakakunsumi at kakatanong sa sarili na bakit sila ay mas maswerte sa atin...o mag-isip o gumawa ng bagay kung papaano natin sila pababagsakin...Lahat ng masasamang balakin at iniiisip mo laban sa kapwa ay non-sense...nag-sasayang ka lang ng oras ng buhay mo, wala kang mapapala kungdi karma o malas sa buhay at mga wrinkles sa iyong mukha.

Mas masarap ang pakiramdam kapag maraming mga taong natutuwa sa'yo, kapag marami kang kaibigan, kapag marami kang blessing at kapag hindi ka nangungunsumi sa buhay ng iba para siya ay pabagsakin...

vbb