Isaw : Kwento ng Masarap na Ulam ng mga Mahihirap (brdzlight@yahoo.com)

From: "brdzlight" Email: brdzlight@yahoo.com>
Date: Fri Mar 23, 2007 9:08 am

Pre dati namamahalan nanay ko sa galunggong... kasi 26 pesos isang kilo... di na kami nag ulam galunggong di na kaya ng badyet ni nanay.. liit ng sweldo ni tatay... kayo tuyo na lang.... pero umangal na naman si nanay... mahal na daw ang tuyo 5 pesos dalawang piraso... kaya noodles na lang.... 4 pesos ok na samin lima kaming kumakain... basta may asin saka mantika ok na... minsan kape ulam na samin... saka talbos ng kang kong... masaya na kami...

minsan nakakakain din kami ng manok... sarap pare... pero hindi fried chicken ha... pang mayaman lang yun... bituka ng manok... pre.. ulam na... sarap.. kaya lang nagka cist si nanay saka ako dahil sa isaw.... pagamot sana namin sa doctor si nanay pero wala kaming pera... lumaki ng lumaki cist nya.. hanggang namatay ng di man lang nakapunta sa ospital....

yun nga palang bukid namin sa provinsya.. balak namin balikan.. kasi balita ko.. may bumili daw sa lupa ng tatay eh.. di na naman yun ibinebenta... gagawin daw subdivision... eh di pa naman kami binayaran.. may tax declaration yun.. matagal na sa pamilya.. kaya lang napatituluhan yata ng mayaman dun sa amin... pano kaya to... wala kaming panggasto sa abugado...

hirap ng buhay ng isang mahirap at mangmang... katulad namin...wala kasing kalinga at paningin sa mga mahirap at mangmang.. hinihayaan na lang matunaw sa isang tabi...