This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Isa 'ata Ako sa Maswerteng Naging OFW (Overseas Filipino Workers)Isa 'ata Ako sa Maswerteng Naging OFW Hindi dahil sa ako ay yumaman na ha? Simple lang ang naging buhay kahit na naging OFW na rin ako pero matatawag kong swerte ako kasi ay hindi ako naghirap para makapag-trabaho sa ibang bansa. Hindi kasi ako nagbayad ng napakalalaking placement fee sa mga recruiters...at kahit na hindi ako nabiktima ng mga illegal recruiters, naisipan kong gumawa ng website para magbigay ng mga importanteng tips sa aking kapwa OFWs nang sa ganun ay hindi sila basta basta maililigaw ng mga nagkalat na mapag-samantala. Year 1998 nang ako ay magpunta dito sa ibang bansa, katatapos ko lang noon sa College, mga anim na buwan na akong graduate. Umalis ako bilang tourist kasi ay namimiss ko na ang aking asawa dahil nang siya ay umalis noong May 1996, December 1997 na siya bumalik sa Pilipinas at pagkatapos ng isang buwan ay umalis na rin siya kaaagad pabalik sa ibang bansa. Lungkot na lungkot ako noong una syang umalis at mas lalo akong nalungkot noong pangalawa. Noong pangalawang alis niya, talagang humiling ako sa Kanya at sabi ko sana ay maka-alis din ako at makapunta sa bansa kung nasaan ang aking mister. Kung hindi man ako makapag-trabaho, sana atleast makapunta ako doon para madalaw siya kahit man lang tourist visa ako. Pero kung papalarin ako na makahanap ng trabaho, syempre mas gusto ko...hiniling ko rin na sana, makapag trabaho ako na palagi kong kasama ang aking mister araw-araw. Naalala ko pa noon na sinulat ko ang dasal ko na yun sa isang maliit na papel na dinala ko rin nang ako ay nag-abroad. Ang hiniling ko ay may kapalit, may sinabi ako na pangako ko rin...sabi ko kay Lord, kapag binigay Niya ang hiling ko, na makapag trabaho kasama ng mister ko, papag-aralin ko ang bunso kong kapatid kahit na maliit lang ang sweldo ko... At nangyari nga ang aking hiling...nag-apply ako ng passport at wala akong hirap sa mga requirements. Okay ang first time application ko, ang sumunod ay ang pag-apply ng Visa at madali din akong nakakuha ng Tourist Visa. Okay na ang lahat, makakaalis na ako, pero nalulungkot pa rin ako kasi maiiwan naman ang anak ko...Apat na taon palang siya noon...masaya ako kasi makakapiling ko ang mister ko pero nalulungkot naman kasi maiiwan naman ang anak namin. Pag-dating sa ibang bansa, tuwang tuwa ako kasi kapiling ko na rin sa wakas ang mister ko. Kahit na nalulungkot ako dahil naiwan ang anak namin, hindi naman ako nag-aalala dahil maalagaan naman silang mabuti ng aking mga biyenan at madadalaw naman siya palagi ng aking Nanay din. Sumubok ako mag-apply kasi may nag-sabi sa mister ko na may open daw na computer job sa isang computer school. Ang nag interview sa akin ay Pilipina, sabi niya hindi daw pwede ang may asawa...nang lumaon, nalaman ko, hindi naman pala sagabal kahit na may asawa ako...kasi iba naman ang style dito...hindi katulad sa Pilipinas...so ang nangyari, hindi ako natanggap....siguro may ipapasok lang na iba yun, baka kakilala niya. Pinabayaan ko lang, okay lang...kung niloko nya ako, sya naman ang mag-dadala nun, hindi ako... Lumipas ang ilang araw, wala akong ginawa kungdi sa bahay lang, inaasikaso ang mister ko, binilhan niya ako ng computer kaya nakakapag practice ako sa programming. Mayroon pa lang bakante sa trabaho ng mister ko, pero ayaw niya ako pumasok doon dahil naiisip nya na kapag mag-sara ang company pareho kaming mawawalan ng trabaho... Pero siguro ito na ang bigay ng Diyos sa akin, nakita pala kami ng amo ng aking mister at dahil kailangan nila ng staff na mag-ha handle ng computer programs na ginagamit nila, ako ang napili nila na ipasok. Kinabukasan ako ay pinatawag at ako ay nainterview...Halos mag-iisang buwan na akong walang nakikita, kasi ayoko muna maghanap...pero nang matapos ang interview, kaagad na nila akong pinapasok kinabukasan at ako ay nag-papasalamat sa Diyos kasi birthday ko pa noong ako ay nag-simula kaya talagang regalo niya sa akin ang pag-kakaroon ko ng trabaho... So, nagkasama nga kami ng aking mister...halos araw-araw pero kahit na mag-kasama kami, pag dating sa trabaho ay trabaho talaga ang aming inaatupag...ayaw din naming sirain ang tiwala ng aming amo kaya hindi namin hinahaluan ng kalokohan ang aming trabaho...Isa pa, naniniwala kami sa karma at malas kaya siguro nang lumaon, naging kaibigan namin ang aming amo dahil sa kami ay kanyang napagkakatiwalaan. Nang tumagal, nakuha rin namin ang aming anak at dahil sa wala kaming mapag-iwanan sa bahay, okay lang sa aking amo kahit dalhin ko sa trabaho ang aking anak basta wag lang daw mag-lilikot. Pwede ko pa nga rin daw iwanan sa bahay nila kung gusto nya kasi ay mayroong anak ang amo ko na kasing edad ng aming anak. Napag-aral ko rin ang aking kapatid, atleast hindi na nahirapan ang aking Nanay na makapag-ara siya. Taon-taon kami ay nakakauwi sa Pilipinas, noong hindi pa namin nakukuha ang aming anak bilang dependant, palagi naming napapapunta ang aming anak tuwing bakasyon ng March...kaya narito sya hanggang June...pag-katapos kami ay uuwi naman ng December, kaya sa isang taon ay marami namang araw na kaming mag-anak ay nagkakapiling...kaya dahil dito, talagang thankful ako sa Diyos dahil maraming mga OFWs ang hindi maisama ang kanilang pamilya sa ibang bansa...pero sa amin, nakuha namin ang aming anak...at hanggang ngayon kami ay mag-kakasama pa rin. login to post comments | 319 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 0 guests online.
|