This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Padating na si Columbus (Hazel Toquero)Sa Lunes,bakasyon na naman in observance of Columbus Day (yahooo!) . Siya ang tinaguriang dumiskubre sa Amerika na ang akala niya ay ang New World. Ano ang koneksyon niya sa isinusulat ko? Marami, mas marami pa sa buhok sa isang taong "Shagi"..... Sha Gilid ang Buhok. 1. Lahat ng OFW ay parang si Columbus, maraming hirap ang dinaanan upang makarating sa "Promise Land". 2. Maraming pera din ang nagastos ni Columbus sa kanyang expedition. Tayo rin, lahat ng "bangka"/ piggy bank ang binasag upang makaabot sa ating destinasyon. 3. Nawalan rin ng direksyon si Columbus. Isipin natin ito mga kababayan. Hindi ka man nakapunta sa New York upang magtrabaho, andyan pa naman ang Virginia, Maryland, New Mexico at Florida. Never give up, never surrender, no retreat, walang urungan (over na ba?) 4. Nakisama din si Columbus sa mga "natives" ng Amerika. Tayo ang mga bagong "conquerors" (hindi lang namamalayan ni Bush) pero tayo ang nagpapatakbo ng kanilang ekonomiya. Tandaan lamang na ang mga taong pinanganak sa US of A ay bihirang gustong maging Nurse o Teacher. Jackpot tayo mga kapatid! Unang iyak pa lang, sinabi na ng ating nanay, "Anak, magiging nurse ka/ magiging sped/ science/ math teacher ka!" I AM SO PROUD OF YOU! (Huwag ka lang magpabuntis o makabuntis) 5. Pinagsamantalahan ni Columbus ang Amerika. Ni- rape niya ang natural resources at iba pang yaman ng New World. Nandito rin tayo para maging "Robin Hood" (hindi literal po). Nagiging Batman pa tayo sa paggamit ng "resources" ng Amerika upang umangat naman ng kaunti ang ating Third World Country (hindi ito insulto ha, katotohanan ito) Pero tayo naman mga Pinoy ang nakakapasa with high scores sa mga state examinations. Obvious na obvious ito sa mga batang pinoy na galing diyan na dito na nag- aaral. 6. Taon taon, maraming "Christopher Columbus" ang nagpupusta, nag mamakaawa sa mga kamag- anak para pautangin at naghahanap ng mga hindi manlolokong agencies. Ang tanging hiling ko lang ay maging maayos, ligtas at legal ang paglalakbay ng mga Columbus na tulad ko. Source: http://www.blogtext.org/hatchzel/topic/2290.html login to post comments | 425 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 1 guest online.
|