Pasko sa Ibayo (Noel Malicdem)

Pasko sa Ibayo
likha at titik ni ka noel malicdem
dubai ,uae

Malamig na naman ang simoy ng hangin
Hamog sa umaga sa tuwing ako’y nagigising
Hudyat na ang pasko’y parating
Malayo sa bansa at di ka kapiling.

Ilang pasko na ang nagdaan sinta
Umalis ng bansa para sa bagong simula
Maiangat ang buhay kahit sa konting kita
Titiisisn ang hirap ikaw lang ay aking mapasaya.

Sa bawat gabi na ako’y nag-iisa
Mga yakap mong mahigpit aking naaalala
Katabi ang unan pati kumot magkagusot-gusot na
Di bale nang mag-isa kesa matukso sa iba.

Sana sa susunod na pasko kapiling na kita
Upang ang pagdiriwang may tunay na pagsasaya
Ang makasama ka’y ibang ligaya ang nadarama
Kahit malayo sa bansa,mananatiling tapat sa iyo sinta.