This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Alibughang Marino - Prodigal Seaman (Felix Pulmano)Alibughang Marino (Prodigal Seaman) Ang istoryang ito ay isang bagong salin na halos kapareho ng kuwento ng Alibughang Anak na matatagpuan sa Bibliya Lucas 15:11-32. Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalawang marino na may layang pumili at Kapitan na umunawa at nagbigay ng ikalawang pagkakataon. Narito ang kanilang kuwento: Mayroon 2 marino na matagal- tagal na ring namalagi sa barkong pangbaybayin, at isang AB marino nag nagsabi sa Kapitan " kapt.,puwede mo bang ibigay sa akin ang 2 buwan kong sahod at akoy mag sho-shoreleave." Ang kapitan, bilang matuwid ,tapat at mabait na tao ay ibinigay ang kanyang pera at pinayagan siyang lumabas. "Sa wakas, nakalaya din sa lutang na bakal na ito, marami akong pera at wala akong iisipin kundi magpasarap at maglibang sa sarili." At siya'y pumaroon sa mga lugar na inaakala niyang makapagbibigay ng lubos na ligaya at doon unti-unti niyang nilustay na walang patumangga ang kanyang pera sa alak, babae at sugal. Lingid sa kanyang kaalaman, may mga mata na nagmamasid sa bawat kilos niya. Papalabas na siya sa huling bar na may kasamang babae, hindi pa gaanong nakakalayo, ng bigla na lang sumulpot sa kung saan ang mga di kilalang lalaki at inundayan siya ng suntok at sipa, at ang kasama ng babae ay nakamasid lamang. Namalayan na lamang niya na siya'y nakahiga sa semento, masasakit ang mga kalamnan ngunit ang lalong masakit ay ng mapag-alaman niya na wala na ang kanyang pitaka na may pera at i.d. sa loob, pati relos, kuwintas at pati jacket ay tangay. Minabuti niyang bumalik sa bar na kanyang pinanggalingan at doon isinalaysay niya ang nangyari, subalit pinagtawanan lang siya, at ang isa ay pasigaw na nagsabi "bata ka pa sa kangkungan"! Wala na siyang maisip pang gawin kung kayat minabuti na lang niyang bumalik sa barko, nagmakaawa na lang siya sa bar tender na bigyan siya ng kaunting perang pamasahe. Ngunit ng makarating siya sa pantalan, laking gulat niya dahil wala na siyang barkong inabutan,at tuloy naisip niya "hah! nakalimot ako, ilang araw na ba akong wala? paano na ako ngayon? saan ang barko ko? saan ako titira? matutulog, kakain? wala pa naman akong kilala ni isa sa lugar na ito," At nanginginig na napaluhod at tumingin sa langit at sinabing " o Diyos ko, ano na ang nangyari sa akin" sabay iyak na parang bata. Pagkaraan ng mahabang sandali ng bumalik ang kanyang hinahon, naisip niyang maghanap ng kababayan, meron nga siyang nakita subalit hindi naman bumenta ang kanyang istorya, marahil takot din itong tumulong dahil wala naman siyang ipinapakitang papel o i.d. man lang. gutom, pagod, lamig at hapdi ng katawan ang kanyang nadarama at ang pinakamasakit ay siya'y nagiisa. At sa kanyang matinding gutom ay minabuti na lang niyang humingi ng limos at kapag walang magbigay ay nambubungkal na lang siya ng basurahan, at kapag nakakita ng pagkain kahit medyo panis ay pikit matang kakainin niya ito, sa bawat subo ay bumabalik sa kanyang ala-ala ang buhay niya sa barko, 3 beses kumain, malambot na kama, tamang kabina, magandang hanapbuhay at ang pinaka da best ay mayroon siyang kapitan na ubod ng bait, mahabagin at makatarungan. Luha ang matang nasambit sa sarili "Ano ang ginagawa ko rito? babalik ako sa barko kahit na ano man ang mangyari,hihingi ako ng tawad sa kapitan at kahit walang sahod basta tanggapin niya akong muli." Sa kanyang pagmumuni-muni ay bigla na lang niyang naisip na mayroon nga palang ahente ang kanilang barko sa lugar na yoon, kung kayat buo ang pag-asang hinanap niya ang ahente. Bumukas ang langit ng makita niya ang ahente at doon isinalaysay niya ang buong pangyayari. Tuwa at galak na naguumapaw ng masilayan niyang muli ang kanyang barko, hindi kalayuan, ay nandoon na ang kapitan na naghihintay sa kanya, takot at pangamba ang bumalot sa kanyang sangkatauhan na baka siya'y usigin at ipagtabuyan, ngunit ng sila'y magpang-abot , yuko ang ulong nagsabi "kapt.I'm very sorry, patawarin mo ako," at bago pa niya susundan ng salita ay mabilis na sumigaw ang kapitan "mayor! bilis, dalhin mo si AB sa kanyang kabina, bigyan ng bagong damit at sapatos at magluto ng espesyal na pagkain at mamayang gabi ay tayo'y magsaya. Kinagabihan, lahat ay nagsasaya maliban sa isa pang AB na nagpupuyos ang kalooban dahil sa desisyon ng kapitan, minabuti na lang niyang magkulong sa kabina. Sa kalagitnaan ng kasayahan napansin ng kapitan na wala ang AB ito kung kayat siya mismo ang naghanap sa kanya, inabutan niya itong nakahiga at malumanay na nagsalita "bakit wala ka sa itaas? hindi ka ba masaya na bumalik ang iyong kasama? pagalit na sumagot ang AB "simula pa ng magkasama tayo ay naglingkod ako sa inyo ng tapat, lalabas lang ako pag isinasama ninyo ako, kailanma'y di ako nagwaldas ng pera, ngunit ni minsan di ninyo ako binigyan ng bagong damit at sapatos at espesyal na pagkain, at kasayahan katulad ng sa itaas, subalit dumating lamang ang paborito ninyong AB na lumustay ng kanyang pera, naiwan ng barko at ngayon ay bibigyan ninyo pa ng parangal at pagdiriwang" sumagot ang kapitan, "nakikita ko ang iyong tapat na paglilingkod sa akin, at lagi kitang kasa-kasama, ang pakisama ko sa iyo ay tunay, ang turing ko sa iyo ay para ko ng anak, anuman ang sa akin ay sa iyo na rin, ngunit dapat tayong magsaya at magalak dahil ang kasamahan mong AB ay nawala ngunit nasumpungan. Ang kuwento ng dalawang marinong ito ay maraming dalang aral sa atin, nandoon na yoong maling paggastos ng ating kinikita, ngunit ang pinakamahalaga ay yoong kapitan na naghintay, nagmahal, umunawa at nagbigay ng ikalawang pagkakataon sa kanyang tauhan. Ganyan din po ang ating DIYOS kahit na Siya'y makapangyarihan, hindi Niya nilabag na alisin ang laya nating pumili, maging mabuti man ito o masama, ang pinakamalaking grasya ng Diyos sa atin ay kapag tayo'y bumalik sa kanya hindi na niya ipapamukha sa atin ang nagawa nating pagkakamali. by Felix Pulmano login to post comments | 726 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 1 guest online.
|