This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Kalawang Lason sa Gobyerno (OFW from Europe)Kami nayata noon ang pinakamahirap na tao sa pilipinas,noong nagsabog yata ng kahirapan ang ating panginoon ang mga magulang ko yata ang nakinabang buti na lang nagsikap ako sa pag aaral at ako lang ang nakatapos sa aming 7 magkakapatid. Ito ,matagal na ako sa ibang bansa at sinuwerte ng malaki at nagkaroon ng magandang posisyon sa trabaho, masarap mandayuhan sa ibang bansa kung ikaw ay may posisyon sa isang istablisimento, marami ang nangingibang bansa pero dugo at pawis ang puhunan para kumita ng pera dahil sa kahirapan ng buhay sa pilipinas.Hindi ko maikumpara ang sarap ng buhay dito sa EUROPA di mararanasan ang kahirapan dahil angat ang karamihang bansa dito. minsan nga naiisip ko kailan kaya mangyayari sa pilipinas ang ganoong sistema marahil di na yata dahil sa maraming KURAKOT sa ating bansa, sabi nga nila "BULSA muna nila ang lagyan bago ang IBA" kaya paanong uunlad ang PILIPINAS,wala sa mga tao ang kahirapan nasa ating GOBYERNO kasi ang maunlad na bansa suportado nila ang mga mamamayan.Limbreng pag-aaral at limbre ang ospital at may allowance sa gobyerno ang UNDER 16 yrs old. Kaya maraming PILIPINO ang nangingibang bansa dahil sa sistema ng gobyerno sa atin di dahil sa kahirapan dahil sa pagpapahirap at bulok na sistema nila, PULITIKA ibig sabihin SALITA di ba? dahil karamihan sa kanila pag eleksyon maraming salita puro pangako na lagi namang pako? dito umuubos ng malaking pera ang gobyerno bakit di na lamang nila ilaan ang pera sa ibang proyekto,tulad ng libreng pag aaral, libreng pagpapagamot sa hospital,pagbibigay ng trabaho sa tao at alisin ang mga KALAWANG sa sangay ng GOBYERNO na syang dahilan ng KAHIRAPAN. Di ako naghangad ng posisyon sa ating gobyerno pero kung mabigbigyan lang ako ng pagkakataon ang una kong idedevelop ay ang TOURISM dahil dito malaki ang perang papasok sa gobyerno sa ganoong paraan magkakaroon ng malaking budget ang gobyerno para sa ibang mga proyekto, nasasabi ko ang TOURISM dahil ang mga taga EUROPA ay mahilig maglibot sa iba ibang bansa lagi ko nga sinasabi na ang PILIPINAS ay maganda, one of the beautiful places in ASIA when in terms of sceneries and beaches kasi yun naman ang hilig nila "BEACH" pero karaniwang sagot nila sa akin NATATAKOT sila sa PILIPINAS dahil sa magulo daw at marumi? NAPAHIYA tuloy ako sa kanila...itaas ko mang pilit ang PILIPINAS sila mismo alam kung ano ang BANSA natin....masakit na marinig mo iyon bilang PILIPINO na kahit anong pagmamalaki ang gawin mo sa iyong bansa......wala kang magawa......PWEDE BANG MABAGO IYON PARA SA KANILA?...kungb sino man ang makabasa nitong pulitiko saludo ako sa inyo kapag napagyaman ninyo ang TOURISM kami mismong nasa abroad ang manghihikayat para maakit sila na pumunta ng PILIPINAS para kung sa ganoon sila ang magsasabi "IBA na ang PILIPINAS", at tayo rin naman ang makikinabang ng lahat kung tayo mismong mga PILIPINO ang magtutulungan para sa PAG-ANGAT ng ating INANG BANSA. Minsan wag lang sa pangarap ,kung pwede namang isakatuparan bakit di natin simulan NGAYON NA......... Originally posted in http://forum.ofw-connect.com/OFW_OpenForum/viewtopic.php?p=297 login to post comments | 721 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 0 guests online.
|