From my Kitchen to the Philippines Via Internet (Eminga)

From my Kitchen to the Philippines Via Internet

Ngayong linggong ito ay libre ako sa trabaho.Akala ko magagawa ko na lahat ang mga gawaing bahay,maglinis ng todo, lalo nat malapit na ang kuwaresma,may bisitang darating,yung mga plantsahin ko ay maubos na lahat at mapasyalan ko mga kaibigan na matagal ko ng di nakita.

Pero anong nagyari? Nalilibang ako sa aking computer .Ewan ko kung mabuti na nandito itong PC ko sa kusina .Inilagay ko dito para di ako palaging nagpupunta sa hobby room ko,sabi koy madaling uupo kong nandito ito sa paborito kong lugar ,sa kusina.

Pero naku,nakakaaliw .Enjoy at talagang marami akong nalalaman at natututunan dito.

Mahilig talaga akong magbasa,kahit noon pa,kaya palagi ako sa google kung mayroon akong gustong malaman.

Alam ko na ngayon kung ano ang nagyayari sa mundo,lalo na sa bayan kong Pilipinas.

Libre pati mga diyaryo dito sa internet.Kaya hindi ko na kailangang magtanong pa sa telepono sa pamilya ko.

Pati mga pelikulang pinoy ay napapanood ko,daily televisions at lahat ng bagay tungkol diyan na gusto kong malaman.

Natatagpuan ko ang mga old friends,mga kababayan at iba-ibang klase ng tao sa mundo,yung iba naging kaibigan ko.

Masaya talaga ang buhay,di na boring at marami pa akong natututuhan ,lalo na sa new technologies.

Of course,mapurol na rin ang ulo ko,yung iba ay nakakalimutan agad o kaya di ko rin makuha.Pero okey lang,at least di tayo nahuhuli sa balita di ba.

Ang maganda rin dito ay puwede tayong magsabi ng tungkol sa kommentar natin or pagiisip tungkol sa mga bagay na gusto or di natin gusto.Noon ay diyaryo lang nakakagawa niyan.Ilagay nyo lang sa internet,mababasa na ng maraming tao.

Masaya ako na nalalaman ko ang mga balita diyan sa Pilipinas.Ngayong linggong ito ay panay diyan ang binabasa ko.

Tulad ng dati,panay hirap,marami daw nagugutom sa atin.(sa Pilipinas ).

Well,bakit di kayo sumulat ng blogs kung anong dapat gawin ng gobyerno ,kung sa palagay nyo sila ay korrupt,ay kailangan sabihin nyo sa kanila at ipabasa sa lahat.

Malapit na ang election,magisip kayong mabuti kung sino ang nararapat na uupo sa gobyerno.Tutal sa kabutihan din natin yun di ba.

Huwag na kayong maniwala sa mga kasinungalingan.Yung mga mahilig magpangako na palaging napapako ay alisin na sa gobyerno.Be a wise voter now.

Bukas ay di na ako uupo dito sa computer ko.Maglilinis na talaga ako.I hope so,Lol!

Have a nice weekends to all my friends.

By Eminga

My Homepages:

www.ferienhaus-huette.de.vu