This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Philhealth's Coverage for Overseas FIlipino Workers Medicare Program (Added Mar 22 2007)Mga Karaniwang Tanong sa Overseas Workers Program ng PhilHealth 1.Bakit ko dapat i-renew ang aking PhilHealth membership sa tuwing ako ay aalis at magtatrabaho sa ibang bansa? •Mahalaga ito para tuloy-tuloy ang coverage ninyo na magagamit sa panahon ng pagkakasakit ninuman sa inyong pamilya. 2.Anu-ano ang mga dokumentong kailangan kong isumite para sa aking renewal? Isumite lamang ang alinman sa mga sumusunod: -Active Overseas Employment Certificate (OEC) 3.Saan ako maaaring mag-renew ng aking membership? Maaari po kayong mag-renew sa alinmang sa mga sumusunod: -Tanggapan ng PhilHealth 4.Sino naman ang maaaring magproseso ng aking renewal kung ako ay nasa ibang bansa? •Sinuman sa inyong immediate family ay maaaring magproseso ng inyong renewal. Kailangan lamang nila ng valid Identification Card at magsumite ng anumang dokumento na magpapatunay na kayo ay isang active OFW. Kung hindi kapamilya kailangan din ng authorization letter galing sa miyembro at 2 valid IDs nila. 5.Ano ang kailangan kong gawin upang maisaayos ang mali o kulang na impormasyon na naitala ko sa PhilHealth katulad ng civil status, employment, tirahan, dependents at iba pa? •Magfill-up lamang kayo ng 2 kopya ng Member Data Amendment Form (M2) at isumite sa alinmang tanggapan ng PhilHealth kalakip ang mga kaukulang dokumento na makikita sa likuran ng nasabing form. 6.Kung ako ay isang immigrant na ng ibang bansa, maaari ko pa bang ipagpatuloy ang membership ko sa PhilHealth? •Hindi na kayo maaaring maging miyembro pa ng PhilHealth kung kayo ay magpapalit na ng pagkamamamayan (citizenship). Ngunit kung kayo ay nasa Pilipinas maaari ninyong ipagpatuloy ang inyong PhilHealth coverage bilang Voluntary member sa ilalim ng Individually Paying Program. Contribution: •May dalawang paraan para maisaayos ang dobleng bayad: 1st option: Maaaring i-refund ito sa mismong araw ng pagbabayad. Ipakita lamang ang dalawang kopya ng resibo para makansela at ma-refund ang huling bayad. 2nd option: Maaaring ipa-adjust na lamang ang binayaran para sa susunod na kontribusyon. Claims: •Ang pagpoproseso ng claim ay sa loob lamang ng 60 araw mula sa petsa ng pagtanggap ng PhilHealth. 2.Magagamit ko ba agad ang benepisyo ko sa PhilHealth pagkatapos kong makapagbayad ng aking kontribusyon? •Sa mismong araw na ikaw ay nagbayad ng iyong kaukulang kontribusyon ay maaari mo na itong magamit. 3.Saan maaaring i-file ang claim kung na-ospital ang aking dependent sa Pilipinas? •Maaaring i-file ang claim sa alinmang tanggapan ng PhilHealth na nakakasakop sa ospital kung saan naconfine ang pasyente. 4.Kung expired na ang aking Member Data Record (MDR) maaari pa ba akong makapag-claim ng kaukulang benepisyo? •Maaari pa kayong mag-claim kung kayo ay makakapag-renew ng inyong membership coverage sa loob lamang ng 30 araw pagkatapos na ito ay mag-expired. **************************************************************** Nakaseguro pati kalusugan ng iyong pamilya… Kasama rin sa iyong PhilHealth coverage ang mga sumusunod: Mga benepisyo sa ilalim ng OWP ng PhilHealth • Lireng check-up at routine laboratory exams and medicines na hindi lalagpas sa P500/pamilya kada isang taon sa mga accredited OPD clinics. (sa Pilipinas lamang) Special Benefit Packages Mga dapat tandaan sa pagkamit ng benepisyo Local confinement a. Upang makamit kaagad ang benepisyo ng PhilHealt bago lumabas ng ospital,isumite sa PhilHealth Section ng ospital ang mga sumusunod: • Original PhilHealth Claim Form 1 • Valid Medicare Eligibility Certificate (MEC) o EnhancedMember Data Record (MDR), PhilHealth Premium Payment Receipt (i.e. E-receipt, PhilHealth Official Receipt, MI-5) • kopya ng dokumentong magpapatunay sa relasyon nglegal na dependent sa miyembro (kung wala pa ito sa Enhanced MDR) b. Kung binayaran ng buo ang ospital (no PhilHealth deductions), isumite ang mga sumusunod sa Tanggapan ng PhilHealth sa loob ng 60 araw pagkalabas ng ospital upang makamit ang karampatang PhilHealth benefits: • Original PhilHealth Claim Form 1 na napunan ngmiyembro o ng kamag-anak ng miyembro • Original PhilHealth Claim Form 2 • Original PhilHealth Claim Form 3 (para lamang sana confine sa level 1 hospital (primary) o naospital na hindi lalagpas ng 24 oras. • • Original Official Receipt (OR); o kaya Waiver na galingsa ospital na nagpapatunay na walang naibawas na PhilHealth benefits sa kabuuang babayaran. • Hospital Operative Record (kung may ginawang surgica procedure) Note: Maaaring pirmahan ng tinalagang kinatawan ng miyembro ang PhilHealth Claim Form 1(mahihingi sa ospital, PhilHealth Office at maaaring mada-download sa Forms page kung ang member ay nasa abroad. Note: Nakasalin dapat sa English ang mga dokumentong nakasulat sa ibang wika. ************************************************************************** Paalala po! Ituloy ang pagbabayad ng iyong kontribusyon upang masiguro ang tuloy-tuloy na benepisyo mula sa PhilHealth! Maaaring bayaran ang taunang kontribusyon na P900 sa mga sumusunod: Sa abroad Sa Pilipinas Heto pa po! • Kung sakaling ikaw ay hindi na OFW, maaaring ituloy pa rin ang iyong membership sa PhilHealth bilang isang Individually Paying Member upang maipagpatuloy ang • Kung ikaw naman ay 60 taon gulang na at pataas, umabot na nang 120 buwan ang iyong naihulog na kontribusyon sa PhilHealth at hindi na nagtatrabaho, ikaw ay maaari nang maging Non-Paying Member. Habang buhay mo nang makakamit ang benepisyo ng PhilHealth nang wala ka nang babayarang kontribusyon. ADDRESSES: • OWP Operations Center at POEA Ortigas Ave. corner EDSA, Mandaluyong City login to post comments | 992 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 0 guests online.
|