This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
May Plano Ka Ba? - ang kailangan mo ay isang plano kung paano ito (ang PERA) PalalaguinSino nga bang marunong na tao ang nagsabi na kung gusto mong magtagumpay sa anumang larangan, kailangan mong magkaroon ng Plano? Kung hindi - kung sasabak ka sa isang balakin nang walang anumang plano... daig mo pa raw ang gumawa ng plano para hindi magtagumpay. Sa madaling salita, para kang nagplanong mabigo o - pumalpak! Sa larangan ng pananalapi, marami sa atin ang masasabing pumapalpak - kinukulang sa badyet, kinakapos sa pera, bumabaon sa maraming utang... at nahihirapan sa buhay. Kung isa ka sa maraming taong ito, iisa lamang ang ibig sabihin nito - wala kang inihanda o sinusunod na anumang plano sa pananalapi. Ayon kay Robert T. Kiyosaki, isang kilalang manunulat, guro, imbestor at enterprenur, dalawang klase ng plano ang kailangan mo upang magtagumpay sa pananalapi. Ang una ay kung paano ka kikita ng pera, at ang ikalawa ay kung ano ang gagawin mo sa perang kinikita. Ikaw ba ay isang mekaniko, pulis, nars, titser, piloto, o bumbero? Anuman ang pinili mong larangan, natitiyak kong pumasok ka sa larangang 'yan nang walang anumang plano maliban sa gampanan ang piniling gawain. Tama ba? Kung may plano ka mang matatawag, ito’y kung paano ka kikita ng pera - at ito nga ay sa pamamagitan ng pinili mong trabaho o propesyon. Sa sandaling kumikita ka na... ano na kaya? Kadalasan ay hindi na natin alam kung ano ang dapat gawin. At dito nagsisimula ang problema - Sapagkat walang malinaw na plano kung ano ang dapat gawin sa salaping kinikita, ginagawa mo ang nakikita at naririnig sa iyong paligid. Sabi sa telebisyon at magasin ng isang sikat na artista o "celebrity:" halika't mamili sa bagong bukas na "shopping mall" na ito, maraming magagandang damit at mga kagamitan dito... kumuha at gamitin ang ganitong "credit card"... bumili ng "state-of-the-art" na "cell phone" o gadyet na ito... halina't mag-"car loan" na sa aming banko - sosyal o "macho" ka kung magda-"drive" ka ng modelong sasakyang ito... Sabi naman ng isang kaibigan o kabarkada: masarap kumain sa restawrang ito - tena, kumain muna tayo at uminom... Hindi miminsang mangyari na malayo pa ang susunod na sweldo, wala nang laman ang bulsa mo. Ano nga ba ang dapat mong gawin? Sapat na ba ang bumuo ng isang badyet para sa araw-araw o buwanang kagastusan? Marahil ay alam mo na ang pagba"budget" ay paggawa ng isang plano kung paano gagastusin ang kinitang pera. Totoong makakatulong ito upang magkaroon ng kaayusan sa paggastos (mangunguna sa iyong listahan ang mahahalagang bagay na kailangan at hindi maiiwasan, tulad ng pagkain, ilaw, tubig, pamasahe, bayad sa bahay, "tuition," baon sa araw-araw, atbp.), ngunit, nakakalungkot mang sabihin... hindi sapat ang pagbabadyet sa pera upang maiayos ang estado ng pananalapi. Hindi mo ba napapansin na kahit anong badyet ang gawin mo, wari'y laging kulang ang perang kinikita? Alam mo, kabayan, hindi lamang ang tamang pagbabadyet ang sagot sa iyong problema. Ang kailangan mo ay HINDI isang plano kung paano gagastusin ang kinitang pera... ang kailangan mo ay isang plano kung paano ito Palalaguin. Napag-isipan mo na ba ang bagay na ito? More worth reading artciles from http://masaganang-pinoy.blogspot.com login to post comments | 597 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 1 guest online.
|