This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You!
This site is managed, updated or maintained only during the Site Owner's free time, so publishing of articles or response to inquiries submitted to us will not be immediately entertained. Thank You! NavigationUser login |
Proud to be Pinoy! > Angat Pinoy! (Hazel Toquero)Sa bawat pagkakataon na maaari kong ipagmalaki na ako ay Pinoy, lagi akong handa. Nakakatawa na nakakalungkot pero noong andyan ako sa Pilipinas, lagi kong sagot ay half Tagalog at half Ilokano na may halong Tsekwa. Pagdating ko rito sa Big Apple, taas noo akong sumasagot an "I'm from the Philippines, I am Filipino." Nalaman ko na may advantages ang pagiging Pinoy. Sa trabaho pa lang, ibang iba tayo. Angat nang sampung palapag ang kalidad natin at di hamak na kahit saan tayo isabak, nagiging Darna at Nardong Putik tayo. Hindi ko binubuhat ang bench nang bayan, nagta- tumbling pa ako sabay split habang tinatapon ko ito. Ang mga sumusunod ay nagpapakita kung bakit mas marami tayong "Amor Powers." 1. Mabango tayo! Isang malaking tandang pandamadam ito. 2. Isang beses lang natin sinusuot ang ating pantrabaho. 3. Tayo ay nagsisipilyo at stockholders tayo ng Listerine. 4. Wala tayong muta dahil 20 beses tayong tumutingin sa salamin habang nakasakay ng bus. 5. Naiintindihan ang ating English skills. Kadalasan ay correct grammar ang middle name natin. 6. Hindi pa gaanong nagmumura ang ating kabataan. Kaya kapag gusto kong mapasok ulit sa rehab upang malunasan ang aking pagmumura bumibisita ako sa bahay ng aking kaibigan. Siyempre sa harap ng mga anak niya, hindi ako makapagsabi ng "Pak" at "Bullpoop!" 7. May writing skills tayo. Hindi natin kinakatakutan ang essay part ng mga exams. 8. Malakas ang loob natin kapag mag- isa tayo. Patunay na ako kase diyan sa atin, nakahawak pa ako sa saya ng aking lola. Ngayon marunong na akong mag- saing at mamalantsa ng panyo 9.Nature na natin ang tumulong. Mr. ang Ms. Friendship tayo. International division pa. 10. Humble tayo. Nagyayabang lang kapag kapwa Pinoy na ang kaharap. 11. Faithful.........ang mga Filipina. 12. Cute, mapagmahal at maalaga ang mga Pinay kaya naman mabenta dito sa New York. Dito ko natanggap na kayumanggi ako at hindi malaki ang aking boobs. 13. Sa mga Pinoy naman, pagkatapos ng pang- limang date ay doon pa lang hihingi ng halik. 14. Bihira ang kuripot na Pinoy. Kung meron man, "antibiotic" sila 100%. 15. Magaling sa Videoke! Sa Abril, panonoorin ko si Lea Salonga sa Broadway. Balik Les Miserables siya hangad ko na panoorin ang isang Pinoy na nagtagumpay at ipinakita sa buong mundo na hindi tayo mga mangmang. Pangarap ko rin na sa mga susunod na araw, makikilala ako bilang isang seryosong manunulat. Susubukan ko habang pinipigil ko ang aking pagiging bungisngis. login to post comments | 794 reads
|
VISITOR'S NOTICE:This section is currently being updated, so some pages had been moved to a new location or doesn't exist anymore. Who's onlineThere are currently 0 users and 2 guests online.
|